Thirty Last Days

Chapter 5



"SURPRISE."

Nahinto si Jethro sa pagbabasa ng mga dokumentong hawak nang marinig ang isang pamilyar na malambing na boses. Pag-angat niya ng mukha ay hindi na siya nagulat nang makitang nakatayo malapit sa pintuan si Cassandra.

Nakasimpleng bulaklaking damit lang si Cassandra na ang haba ay hanggang kalahati ng mga hita na nagpalitaw sa mahahabang biyas, at tinernuhan lang ng puting sandals na walang takong. Halos tulad pa rin ang dalaga ng dati, simple pa rin kung manamit. Nakatali ang mahabang buhok nito na kulot na ang dulo ngayon, dahilan para mas maging kapansin-pansin ang malasutla nitong leeg.

Kung pagmamasdan nang husto ay wala pa ring ipinagbago si Cassandra, maliban sa taglay na nitong kumpiyansa sa sarili na hindi maikakaila sa paraan ng pagkilos at pananalita; hindi gaya ng dati na kahit pa modelo ay mailap at bahagyang nangingimi kapag kinakausap.

Mapait na napangiti si Jethro. Mukhang nahiyang si Cassandra sa ibang bansa dahil mas gumanda ito ngayon. Mamula-mula ang balat nito. Masigla rin ang ngiti kaya gusto niyang pagtakhan ang nakikitang lungkot sa mga mata nito.

Sa naisip ay naipilig niya ang ulo. Malay ba niya kung nagkakamali lang siya ng basa? Dahil minsan sa buhay niya ay nagpadala na siya sa malulungkot na matang nasa harap at hindi naging maganda ang kinahinatnan niyon.

Malakas siyang napatikhim. "Next time, I guess I should remind my secretary to be careful who she lets in. Dapat niyang maintindihan na hindi por que naging bahagi ng nakaraan ng boss niya ang isang bisita ay papapasukin niya na kaagad nang hindi man lang kinukumpirma sa akin."

Nabura ang ngiti ni Cassandra. "Jet naman-"

"A conversation with an old flame is not on my priority list right now, Cassandra. So get straight to the damn point." Sumandal si Jethro sa swivel chair, pagkatapos ay sinalubong ang mga mata ng dalaga. "Ano'ng ginagawa mo rito?"

"Pangalawang beses pa lang nating nagkikita ngayon pagkalipas ng apat na taon, Jet. Wala ka man lang bang-"

Kumunot ang noo niya. "At ano'ng gusto mong gawin ko? Throw you a party with a banner that says 'welcome back"?"

"N-NO, IT'S NOT t-that." mahinang sagot ni Cassandra pagkalipas ng mahabang sandali. Parang nauubusan ng lakas na naupo siya sa couch na naroon at ipinatong ang nanginginig na mga kamay sa kanyang hita. "H-hindi mo man lang ba ako... kukumustahin, Jet?" Pinilit niyang ngumiti. "Fashion designer na ako ngayon."

"Oh, right. Sikat ka na nga pala. Pasensiya na, nakalimutan kong batiin ka kaagad." Tumaas ang isang sulok ng mga labi ni Jethro. "Congratulations, Cassandra. Gusto ko pa sanang makinig sa mga ipinagmamalaki mong narating mo pero," sumulyap ito sa wristwatch, "may mga gagawin pa kasi ako."

Napabuntong-hininga si Cassandra. "Pero hindi ko naman ipinagmamalaking may narating na ako, Jet. Alam mo ba kung ano'ng ipinagmamalaki ko?" Lakas-loob na nakipagtitigan siya kay Jethro. "It's the fact that once upon a time in your crazy life, you actually fell in love with someone like me. Dahil noon pa lang na minahal mo ako, may narating na kaagad ako."

Nagsalubong ang mga kilay ni Jethro. "So that was the reason why you came here? Para ipaalala ang nakaraan?"

"Oo. Mahal pa rin kita, Jet. Bumalik ako para sa 'yo-"

"At ano nama'ng akala mo sa pagmamahal, Cassandra? Rest house? Na kung kailan mo lang gusto, saka mo pupuntahan at kapag ayaw mo na, bigla mo na lang iiwan?" punong-puno ng sarkasmong wika ng binata. "I'm not one of your possessions, Cassandra. You can't always return to me whenever you want to. I can't be your rest house forever."

Napayuko si Cassandra. "Alam ko."

"Dapat alam mo rin na sa tagal mong nawala, hindi na imposible kung may ibang nagkainteres at umupa sa bahay na iniwanan mo." Nag-angat na siya ng tingin. "Pero tulad nga ng sinabi mo, umupa pa lang naman-"

"Umupa nga," Muling tumaas ang sulok ng mga labi ni Jethro. "Pero gusto ko na siyang gawing permanenteng boarder. Paano ba 'yan?"

"Ano'ng... ano'ng nangyari sa 'yo?" sa halip ay hindi napigilang tanong ni Cassandra. Habang tinititigan niya si Jethro, pakiramdam niya ay nakatitig siya sa isang estranghero. Dahil kung pakitunguhan siya nito ay ni wala man lang bakas na naging magkarelasyon sila.

"Sometimes, the past changes a person, Cassandra," sinabi ng binata, pagkatapos ay tumayo na, lumapit sa pinto at binuksan. "I believe we're done talking." Nang hindi kumilos si Cassandra ay para bang naiinis itong napabuntong-hininga. "Don't you have anything better to do?"

"Actually I have." mahinang sagot niya bago tumayo at dahan-dahang naglakad papalapit. "Bukod sa titigan ka, lapitan ka, kausapin ka, at ma-miss ka kahit nasa harap lang kita, siyempre, may mga bagay pa ako na naiisip na mas matinong gawin... tulad na lang ng halikan ka."

Tinawid ni Cassandra ang distansya sa pagitan nila ni Jethro, saka maagap na ikinawit ang mga braso sa batok nito at buong pusong hinalikan sa mga labi. She shut her eyes and savored the kiss. God... she had yearned for those lips. Pero pakiramdam niya ay para siyang humahalik sa isang rebulto. Nang imulat niya ang mga mata ay bumungad sa kanya ang nagyeyelong mga tingin nito dahilan para dahan- dahan din siyang bumitaw.

"Just how many times do I have to pretend you're Dana every time you kiss me, para lang hindi ka mapahiya, Cassandra?"

Napapikit siya nang mariin. Just when she thought she had heard enough, he would say another word to prove her wrong. Sana ay sinaktan na lang siya ni Jethro. Tutal, ang mga pilat naman ay naghihilom pero hindi ang sakit na dulot ng mga salita nito.

Pagmulat niya ay mabibilis ang mga hakbang na lumabas na siya para lang mapasinghap sa narinig na pahabol nito.

"O, aalis ka na?"

"Yeah, quota na kasi ako."

"GALING SIYA RITO... hindi ba?"

Binalewala ni Jethro ang sinabi ng bunso at nag-iisang kapatid na si Christmas, sa halip ay nagpatuloy siya sa pag-aayos ng mga dokumentong iuuwi niya na lang sa bahay at doon pag-aaralan. "Nakita ko siya sa parking lot, kuya Jet. Pero hindi niya ako napansin. Umiiyak kasi siya."

Natigilan si Jethro, hindi sinasadyang nalamukos niya ang hawak na folder. Narinig niya ang malakas na pagbuntong-hininga ng kapatid.

"I don't know her reasons for suddenly leaving. All these years, nanahimik lang si Throne. Ayoko namang mag-usisa dahil hindi ko na sakop ang bagay na 'yon. But your ex-girlfriend's back, kuya Jet." Tinitigan siya ng kapatid. "Hindi ka ba... nag-aalala?"

"Kailangan ko bang mag-alala sa pagbabalik niya? She comes and goes."

"Tama. Wala ngang dapat ipag-alala." Ngumiti si Christmas. "I have nothing against Dana and Cassey. Para ko na rin silang mga totoong kapatid. After all, if it's true love that you and Dana have for each other, it will prevail... kahit ilang Cassandra pa ang dumating."

Hindi na kumibo si Jethro. Minadali niya ang pagliligpit, pagkatapos ay mabilis na hinila ang coat na nakapatong sa kanyang swivel chair.

"Teka, akala ko ba magdi-dinner pa tayo, kuya Jet?" ani Christmas nang dumeretso na siya sa pinto.

"Kay Throne ka na lang magpasama." Sagot niya at iniwan na ang kapatid. He needed to be alone. Desperately.

"CASSANDRA, okay ka lang ba? You seem distracted."

Sa ilang sandali ay gustong

mamangha ni Cassandra sa

nakikitang pag-aalala sa mga mata

ni Dana nang magkita sila

печ

kinabukasan nang tanghali sa isang Italian restaurant. Sa kabila ng naging pagbabatuhan nila ng mga salita ay wala siyang maipipintas dito dahil naging mabuti rin sa kanya

noon si Dana. Madalas pa nga niyang nakakasama si Jethro sa panonood sa gig ng banda ng babae. kung saan ito ang drummer at si Christmas ang vocalist. Naalala niya pa noong gustong-gusto niyang makinig sa musika ng grupo ng mga ito dahil isa siyang frustrated singer.

Mapait na napangiti si Cassandra sa naisip. Kung tutuusin ay napakalaki ng lamang ni Dana sa kanya. Bukod sa henyo na sa musika ay isa rin itong mahusay na architect. Nakawilihan na lang nito at ng mga kabanda ang mag-sideline sa restobar gabi-gabi, pantanggal daw ng stress na dulot ng maghapong pagtatrabaho. Nagmula rin si Dana sa isang buo at prominenteng pamilya, hindi tulad niya.

Dana was able to give much because she has much while Cassandra had none to offer other than her scarred self. Kahit pa natupad niya na ang pangarap bilang isang fashion designer ay wala pa rin siya kung ikukumpara kay Dana. Dahil ito ang uri ng babaeng maipagmamalaki ni Jethro sa mga kakilala nito. Malinis, buo, at higit sa lahat ay maganda ang record.

Just how many times do I have to pretend you're Dana every time you kiss me, para lang hindi ka mapahiya, Cassandra?

Nanliliit sa sariling napayuko si Cassandra. Saka niya lang namalayang tumutulo na pala ang kanyang mga luha nang makita niya ang mga patak niyon sa mesa. "Cassandra, kung masama ang pakiramdam mo, bukas ko na lang titingnan ang mga designs-"

"No, I'm okay." Mabilis na pinahid niya ang mga luha pagkatapos ay humarap sa babae. "Pupunta lang ako sa comfort room sandali. I'll show you the designs when I get back." Tumayo na siya. "Excuse me." NAIINIP NA TINAPIK-TAPIK ni Dana ang mesa habang hinihintay ang pagbabalik ni Cassandra. Napasulyap siya sa folder na nakapatong sa kanyang tapat, pagkatapos ay napatingin sa direksiyon ng comfort room. Pero nang lumipas na ang ilang minuto at wala pa rin si Cassandra ay hindi niya na napigilan ang curiosity. Inilapit niya ang folder sa sarili at binuksan iyon.

Nahigit ni Dana ang hininga nang

bumungad sa kanya ang

kauna-unahang disenyong

nakaguhit. Isa iyong

napakagandang... traje de boda.

High-neck iyon at long-sleeve ang gown, hapit ang pinakakatawan pa-baldon ang ibabang bahagi habang ang train naman ay mahaba na para bang prinsesa ang magsusuot. Simple pero hindi maitatangging maingat at pinag-isipang mabuti ang bawat

detalye na nakaguhit roon. Sa pagkakaguhit pa lang ay namangha na siya. Paano pa kaya kapag naitahi na mismo at

nabigyang-buhay ni Cassandra?

Ang sumunod na nakita ni Dana ay isang suit na alam niyang siguradong magugustuhan ni Jethro sa sandaling makita nito. Dahil ang design niyon ay para bang representasyon nito; simple, elegante, at takaw-pansin.

Habang nagpapatuloy sa pagbubuklat ay hindi niya naiwasang mapasinghap. Ang kabuuan ng mga disenyo ay para sa isang buong entourage sa kasal. Sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi niya nang sa wakas ay isara na ang folder. Nang mga sandaling iyon ay wala na ni katiting na pagdududa sa puso niya na piliin si Cassandra. Dahil ngayon niya napatunayang mahusay ang mga kamay nito.

Isasauli na sana ni Dana ang folder sa dating pwesto niyon nang mag-ring ang cell phone ni Cassandra na nakapatong din sa ibabaw ng mesa. Paulit-ulit na tumunog iyon na para bang may emergency. Muli siyang napasulyap sa direksiyon ng banyo.

What is taking you so long, Cassandra?

Nang hindi pa rin tumigil ang pagri-ring ng cell phone ay nag-aalinlangang dinampot iyon ni Dana at pinindot ang Answer button. Pero sasagot pa lang siya nang sunod-sunod nang magsalita si Throne sa kabilang linya.

"Cassandra, ano itong nabanggit sa

akin ni Christmas na ikaw raw

mismo ang magdi-design ng gown ni Dana? What the heck are you thinking? Nababaliw ka na ba? Paghihirapan mong gawin ang isusuot ng babaeng pakakasalan ng taong mahal mo?" Malakas at para bang nagtitimping napabuga ng hangin si Throne. "I'm taking back what I said. Stop fighting, Cassey. Jethro's so stupid. Masyadong makitid ang isip niya kung hindi ka pa rin niya naiintindihan hanggang ngayon."

Napasinghap si Dana na para bang sinamantala naman ng lalaki para patuloy na magsalita. "Kung wala lang sana akong conference sa Hongkong ngayon, pinuntahan na kita kaagad pagkatapos kong malaman 'to. Damn that Jethro Llaneras for not realizing he's the reason why you left! Apat na taon ka nang naghirap para lang bumagay sa kanya. Hindi na tama kung maghihirap ka ulit nang ilang taon para

pa rin sa kanya."

Parang napapasong pinindot na ni Dana ang End button nang hindi niya natagalan ang mga narinig. Muntik pa niyang mabitawan ang cell phone nang makitang ang nakangiting larawan naman ni Jethro ang sumunod na sumalubong sa kanya. Iyon ang nagsisilbing wallpaper ni Cassandra. Nanginginig ang mga kamay na ibinalik niya na ang cell phone sa dati nitong puwesto.

Napahawak si Dana sa noo nang maalala ang nakitang pagluha ni Cassandra sa engagement party nila ni Jethro at ang naging reaction nito nang magkita sila ilang minuto pa lang ang nakararaan. "Damn that Jethro Llaneras for not realizing he's the reason why you left. Apat na taon ka nang naghirap para lang bumagay sa kanya. Hindi na tama kung maghihirap ka ulit ng ilang taon para pa rin sa kanya."

Naipikit ni Dana nang mariin ang mga mata. Posible nga bang nagkamali lang si Jethro ng hinala kay Cassandra? At posible rin bang... nanamantala nga siya tulad ng nabanggit sa kanya ng babae noong nagdaang araw?

"I'm sorry. Medyo maraming tao sa ladies room."

Napamulat si Dana nang marinig ang boses ni Cassandra. Bahagya pang namumula ang ilong at mga mata nito, palatandaang nanggaling sa pag-iyak.

Pareho silang nagmamahal kay Jethro, walang duda sa bagay na iyon. Pero sa pagbabalik ni Cassandra, sino nga ba ang lumalabas na tunay na naninira ng relasyon? Si Cassandra pa rin ba o... siya na?☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.