Chapter CHAPTER 20
Skyler's Pov
Alas singko ng madaling araw ng magising ako at dahan dahan akong bumangon sa kama dahil natutulog pa si prince Alex. Nang makalabas ako ay nakita ko si manang na nag-aayos na ng mga paninda niyang gulay sa lamesa.
"Nay Editha tulungan ko na po kayo" alok ko rito
"Naku iho wag na patapos na ako, gisingin mo na lang iyong kasama mo para makapag almusal na kayo" sabi nito sa akin "Anong oras po ba tayo pupunta sa bayan Nay?" tanong ko
"7:30 iho kaya gisingin mo na yung kasama mo para naman makapag-ayos na kayo" sambit ni manang.
"Sige po Nay" sagot ko at pumasok muli sa silid namin ni prince Alex.
Umupo ako sa tabi nito at dahan dahan ko siyang yinugyog para magising siya.
"Alex gising na" wika ko
"Mmm.." yan lang ang naisagot niya sa akin.
"Alex gumising ka na pupunta pa tayo sa bayan"sabi ko.
Alam kong gising na siya pero hindi pa siya dumidilat marahil siguro ay inaantok pa ito, hindi kasi ganito ang oras ng paggising niya sa palasyo.
"Bahala ka Alex lalabas na ako" pagkasabi ko nun ay nagulat ako ng bigla niya akong hinila kaya napahiga ako sa dibdib niya.
"Di ba pwede mamaya na? Enjoyin muna natin yung pwesto natin" saad nito sa akin.
Tiningnan ko naman ito at nakita ko naman na nakangiti lang siya sa akin.
"Alex bitawan mo ako at lumabas na tayo" pagpupumiglas ko sa kaniya pero malakas siya kaya wala naman akong nagawa.
"Ganito muna tayo kahit saglit lang" pacute na sagot nito sa akin.
"Hindi pwede kasi tutulungan pa natin si manang" wika ko
"Ok pero sa isang kondisyon" sabi nito
"Ha? Ano namang kondisyon yan?" tanong ko sa kaniya
"Kiss moko" saad niya sabay nguso sa labi niya.
"A-yoko nga, bitawan mo na ako Alex" pagtanggi ko rito.
"Edi hindi kita bibitawan hanggang sa pumasok si manang at makita tayong nakaganito" tila ba ay tinatakot niya ako sa mga sinasabi niya.
"Hindi mo ako matatakot Alex" sagot ko sa kaniya
"Ok edi hintayin natin si manang na makita tayong MAGKAYAKAP" saad nito at idiniin talaga ang salitang magkayakap.
"Arghh! Sige na nga pero isa lang ha!" pagsuko ko rito
"Good, oo isa lang" sabi nito habang binigyan ako ng napakalawak na ngiti.
Inangat ko ang mukha ko at pinantay ko ito sa mukha niya, dahan dahan kong inilapit ang labi ko sa labi niya hanggang sa maglapat na ang mga ito.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Tatapusin ko na sana ang aming halikan nang hawakan nito ang aking ulo at idiniin ito upang hindi matapos ang halikan namin.
Kinagat ni Alex ang aking ibabang labi kaya napanganga ako ng kaunti at ginamit niya iyon para mapasok ang kaniyang mga dila sa loob ng bibig ko.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayon at unti unti na akong nawawala sa sarili ko dahil sa mga halik niya.
Ilang saglit pa ay namalayan ko na lang ang aking sarili na gumaganti sa mga halik niya.
Hindi ako marunong humalik pero unti unti ay natuto na ako at sobrang init ng halikan namin ngayong dalawa.
Binitawan niya na ang ulo ko ng maramdaman niyang lumalaban na ako sa mga halik niya, ang sarap ng mga halik niya at damang dama ko na ang saya ng puso ko ngayon. Kapwa kami tumigil sa aming halikan ng kapusin na kami sa hangin bigla naman akong nahiya sa ginawa namin kaya napaupo ako kaagad.
"Ang sarap" wika ni Sky na nagpa-init ng mga pisngi ko.
"Baliw! Bumangon ka na diyan at sumunod ka na sa akin sa labas" pagkasabi ko nun ay umalis na ako kaagad.
Nahihiya ako bakit ko hinayaang mangyari yun? Ah basta di ko na lang iisipin yon para di ako mailang sa kaniya.
Naupo na ako at wala na rito sa lamesa ang mga paninda ni manang dahil ang narito na lamang ay dalawang tasa ng kape at tinapay.
"Iho asan na ang kasama mo? Pinaghanda ko na kayo ng almusal, ok na ba yang tinapay at kape lang?" sambit ni manang
"Ok na po yan Nay Editha salamat po ah" sagot ni Alex mula sa likod ni manang.
Umupo rin ito sa harap ko at sabay na kaming kumain.
"Pagkatapos niyo diyan ay maligo na kayo para maka-alis na tayo papunta sa bayan" sabi ni manang at tumango kami bilang tugon.
Makalipas ang lahat ng ginawa namin ay heto nakaligo na kaming dalawa ni prince Alex at paalis na kami hinihintay na lamang namin si manang dahil nagpaalam pa ito sa mga anak niya. Hindi sumasama si Andoy kay manang dahil inutusan siya nito na bantayan ang kapatid niyang si Denden at siguraduhing hindi na manlilimos muli.
"Tara na mga iho" pagkasabi nun ni manang ay kinuha na namin ni Alex ang mga dadalhin ni manang para hindi na ito mahirapang mag buhat.
Medyo nawawala na ang ilang ko kay prince Alex dahil hindi ko na masiyadong iniisip ang nangyari sa amin at isa pa nagustuhan ko rin man yung nangyari haha.
Matapos ang ilang minutong paglalakad ay nakarating na kami sa pwesto ni manang at tinulungan namin siyang ilatag ang mga paninda niyang gulay.
"Naku mga iho kaya ko na to ang dami niyo ng naitutulong sa akin" sabi nito
"Nay Editha ayos lang po ito sa amin" sagot ko rito
"Nay Editha araw araw ho ba kayo pinupuntahan ng mga naniningil rito sa pwesto niyo?" kita kong biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni manang dahil sa sinabi ni Alex.
"Oo mga iho pero wala kaming nagagawa kasi malalaki silang tao at isa pa kayang kaya nila kaming paalisin rito sa pwesto namin❞ malungkot na saad ni manang
"Ah ganun ho ba? Bakit hindi niyo po isumbong sa namamahala rito sa bayan?" tanong ko
"Ah wag niyo na alamin mga iho, mag-ayos na lamang tayo ng mga paninda ko" tila ilang na sagot ni manang
Nagkatinginan kami ni Alex at kapwa kami walang alam sa nangyayari, alam ko kasi na may itinalagang namamahala dito ang hari na siyang dapat sumbungan ng mga tao kapag may umabuso o may nangyaring gulo rito sa bayan. Ipinagsawalang bahala muna namin ito ni prince Alex at pinagpatuloy ang pag-aayos ng mga paninda ni manang.