My Stranger Legal Wife

Chapter CHAPTER 2: Revelation



Alora's Point of View

"I'm home!" I declared as I reached the living room.

Agad ko namang nakuha ang atensiyon niya. She stood up, embraced me and gave me a kiss on my cheek.

"How was your day, my dear," she asked. Matamis rin ang ngiti niya.

"It was fine, Leina." Inilapag ko ang gamit ko sa center table bago maupo.

Leina or Leinarie is my bestfriend. We've been friends for more than ten years. Nakatira kami sa iisang condo unit. Ang unit na pareho naming pinagtulungang bayaran. Pero dahil mas malaki ang ambag niya, sa kanya ito nakapangalan.

Madalas kaming mapagkamalang magkapatid o kaya kambal. Para akong nakatingin sa sarili ko habang tinititigan siya. Magkamukhang-magkamukha kami pero hindi naman kami magkadugo. I am Alora Leigh Andrada and she is Leinarie Melendrez. Not relatives, just friends.

Sumandal ako sa sofa at napapikit. Kasabay ng pagpikit ay ang pagdaloy sa aking alaala nang nangyari seven years ago.

"What?!" Hindi ko naitago ang gulat ko sa kanyang tinuran.

"Yes, I want to undergo plastic surgery," she looks so helpless while saying that.

"But why do you want to have the same face as mine?"

I don't get her point. Maganda na siya pero bakit gusto niyang palitan ang mukha niya ng mukha ko.

"Because, I admire your beauty."

Hindi ko tuloy napigilan ang matawa.

"At nagagandahan din ako sayo, Leina. You don't need to undergo plastic surgery."

Maganda naman talaga siya. Artistahin nga ang mukha niya, iyon lamang at mukha siyang mataray dahil sa manipis na kilay at sa kurba na rin nito. Malagatas ang kanyang balat, bilugan ang kanyang mata, matangos ang ilong at may kakapalan ang kanyang labi.

Humawak ang dalawang kamay niya sa kamay ko. Kitang-kita ko ang pagsusumamo sa mukha niya dahilan para mawala ang ngiti ko.

"Parang awa mo na, pumayag ka na. Ito na lang kasi ang alam kong paraan para makatakas kay Franc."

Franc is her possessive boyfriend.

Hindi ko naiwasan ang mapabuntong-hininga.

"I don't want to marry him. Pero hindi ko naman siya matatakasan. I know I can only get rid of him if I will undergo plastic surgery. Hindi na niya ako makikilala and I'll be free."

Nakaramdam ako ng awa sa kanya. Mayaman, maganda at nakatapos ng pag-aaral si Leina. Walang maipipintas sa kanyang buhay. Ang tanging hindi kanais-nais lang siguro sa mundo niya ay ang pagkakaroon ng buhay na nakakasakal. "Please Leigh, this is my only hope." Kitang-kita ko ang pagsusumamo sa mukha niya.

Muli na lamang akong npabuntong-hininga.

Hindi ako makakatanggi dahil na rin napakalaki ng utang na loob ko sa kanya. Three years ago, I was fourth year college that time. Titigil na dapat ako sa pag-aaral matapos mamatay ang parents ko dahil sa isang plane crash. Naiwan akong mag-isa. Alam kong may mga kamag-anak kami sa probinsya pero hindi ko naman sila gano'n kakilala dahil lumaki akong malayo sa kanila.

May pera naman sina Mama at Papa sa bangko pero halos sumapat lang para sa pagpapalibing sa kanila at pambayad sa mga naiwan nilang utang.

Thanks that I met Leina. Sa una naming pagkikita, nabangga ako ng kotseng sinasakyan niya. Dinala nila ako sa hospital. Pinaimbestigahan na pala niya ako bago ako madischarge sa hospital noon. When she found out my situation, she offered her house to me. She also asked me to do the household chores for her and in return, she will finance my study. Naging hulog ng langit ang pagdating niya sa buhay ko. Napamulat ako at napatitig sa kisame. Parang kailan lang nangyari ang lahat ng iyon.

Pitong taon, pitong taon na pala kaming magkamukha. Pagkatapos ng plastic surgery niya, umalis siya at hindi na kami nagkita o nagkausap sa loob ng tatlong taon. Nang bumalik siya, parang pasan niya ang mundo. Ang malala, buntis siya. Hindi na ako nagtanong pa bilang respeto sa kanya. Three years old na ngayon ang bata. Na'san siya? Nasa poder ni Franc dahil siya ang ama nito. Kung magbiro nga naman ang tadhana, 'di ba?

Nagpalit siya ng mukha para layuan si Franc pero after three years nabuntis siya at ito ang ama. Anong nangyari? Hindi ko rin alam. Hindi ko rin naman kasi alam kung paano ako magtatanong.

Magkaibigan kami pero kailangan pa rin naman niya ng privacy.

"Lei," tawag niya sa 'kin dahilan para bumalik ako sa reyalidad. Awtomatiko ring napatingin ako sa kanya.

Madalas Lei o kaya Alora ang tawag niya sa'kin. But most people who knows me, calls me Alora. Siya lang talaga ang tumatawag sa'kin ng Lei. "Dinner is ready. Kain na tayo," saad niya nang tumingin ako sa kanya.

Agad naman akong tumayo at sumunod sa kanya.

Habang kumakain kami, bigla kong naalala ang lalaking tumawag din sa'kin ng Lei. Si Leina lang naman ang tumatawag sa'kin ng gano'ng nickname.

Hindi ko naiwasang mapaisip. Who's that man?

Speaking of him, hindi ko makalimutan ang hitsura niya. Matangkad at moreno. Itim na itim ang buhok niya. Kapansin-pansin rin ang berdeng mata niya. Ewan ko kung natural iyon o kung contact lense lang. Nakakatulala ang mata niya kaya hindi ko na nagawa pang magsalita kanina. Tinalikuran ko na lang siya matapos may humintong taxi sa tabi ko.

Muli kong sinariwa sa isip ko ang ilang detalye ng hitsura niya.

Matangos ang ilong niya. Mamula-mula rin ang bibig niya at napansin ko ring may kakapalan ang pang-ibang parte ng labi niya.

Ang sarap niya sigurong halikan.

Agad kong ipinilig ang ulo ko.

Ang halay ng utak ko!

"Ang lalim naman ng iniisip mo. Want to share?" She sweetly smiles to me. Ngumiti rin ako pabalik.

"Do you remember any person who also calls me Lei?"

Baka kasi kilala ko talaga ang lalaking iyon pero' di ko lang siya matandaan.

"Why?" she asked kasabay ng pagkunot-noo niya. Naging seryoso na rin ang mukha ko.

"Meron kasing lalaki kanina," panimula ko.

"And then?" tanong niya kasabay ng pagpapatuloy niya sa pagkain.

"Una, narinig ko siyang may tinatawag na wife and then after that he calls me Lei." Agad na napatingin sa'kin si Leina dahil sa sinabi ko. "Alam kong ako yo'ng tinatawag niya kasi nang lumingon ako sa kanya, nakatingin siya sa'kin. Hindi naman siguro ako assuming-----" Naputol ang sasabihin ko nang mabitawan niya ang hawak niyang kutsara.

Shock was evident in her face. Lumunok siya bago magsalita.

"Can you describe him?"

Napakurap naman ako bago magsalita.

"Ahm gwapo siya. Parang may foreign blood kasi green ang kulay ng mata niya."

Awtomatiko siyang napatayo dahil sa tinuran ko.

"My God!" bulalas niya. Nanlalaki ang kanyang mata at bahagya ring nakaawang ang kanyang labi.

Kinabahan ako. At naguluhan din at the same time.

"W-why? S-sino ba siya?"

Pinagsalikop niya ang kanyang mga kamay. Kitang-kita kong nanginginig ang mga iyon.

"Natatakot ako, Lei. Hindi ko alam ang gagawin ko." Itinukod niya ang kanyang mga kamay sa mesa, tila ba nanghihina.

Malinaw na sa'kin ngayon, napagkamalan ako ng lalaking iyon. Akala niya ako si Leina.

"Sino ba kasi ang lalaking yo'n?"

Hindi siya umimik. Nakita ko ang pagyugyog ng balikat niya, senyales ng tahimik niyang pag-iyak habang nakayuko. "Please, sabihin mo sa'kin."

Nakita kong pinunas niya ang kanyang pisngi bago tumingin sa'kin at magsalita.

"H-He is my ex-husband"

"W-what!" Napatayo ako.

Ex-husband? Is she kidding me? Ex-husband? Pa'no nangyari yo'n?

"Nang umalis ako, after the plastic surgery, nakilala ko siya. He is Zeke Xavier Fuentarez. I fell in love with him and after just a month of dating, we got married."

I gasped. Wala akong maapuhap na salita dahil sa shock.

"You know, I really want to get rid of Franc, so I married him. After all, he can give everything I want including a life of a queen."

"So, it's not love, Leina. You just used him," mahinahon kong saad. Kahit papaano na-absorb na ng utak ko ang revelation niya.

"Sabihin na nating gano'n. We're okay for a year. Hanggang sa maramdaman kong malungkot palang maging asawa niya. Yes, I can buy anything and everything I want but he's always out for business trip." Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Tila ba habang nagkukwento siya ay nakikita niya sa kanyang isipin ang nangyari noon.

"At nakakalungkot iyon, naramdaman ko ang pagkukulang niya. So, I do clubbing every time he's out. And honestly, I flirt with different men. I cheated on him and he's aware of that. Alam niya lahat pero hinayaan niya ako." Tumulo ang luha niya pero agad din niya iyong pinunas.

"And then, Franc came into the picture. I enjoyed his company and he got me pregnant," sunod niyang saad kasabay ng pag-iwas ng tingin.

Hindi ako mapaniwala sa narinig ko. Napaka-complicated ng buhay niya. Hindi ko akalaing legally married siya tapos may anak siya sa ibang lalaki. Kahit gaano ko isipin, hindi maitatangging si Leina ang nagkamali. Kung nalulungkot siya, hindi sagot ang clubbing at pagbaling ng atensiyon sa ibang lalaki.

"Ba't ngayon mo lang sinabi sa'kin 'yan, Leina?" mahinang saad ko.

"Because I thought, it was done. Akala ko pwede nang ibaon sa limot ang lahat."

Ibaon sa limot? Nagbibiro ba siya? Kasal sila kaya paano niya iyon naisip? I can't believed it!

"So what's your plan now?" Pinilit kong kalmahin ang sarili ko. Naiinis ako sa klase ng pag-iisip ng kaibigan ko pero labas naman ako sa issue na ito. Hindi naman yata tama kung maghihisterikal ako.

"I need to fix the mess I made. I need to file a divorce as soon as possible."

Marahan akong napatango.

"Do it, if that's what you think is right," saad kong bumalik na sa pakakaupo.

Dapat lang na ayusin na niya dahil lumalaki na ang anak niya.

"But I need your help." Agad akong napatingin ako sa kanya.

Bakit kailangan niya ng tulong ko?

"Kailangang ikaw ang magfile ng divorce."

Napaawang ang labi ko

"B-bakit?"

"Because the person he married is----" Napapikit siya bago nagsalita. "---is A-Alora Leigh Andrada"

Para akong nawalan ng lakas. Pakiramdam ko nanginginig ang tuhod ko. Pakiramdam ko matutumba ako kahit nakaupo naman ako.

Mabilis siyang lumapit sa'kin at agad na lumuhod sa tabi ko. Humawak ang dalawang kamay niya sa hita ko.

"I'm sorry. I'm really sorry. That time, hindi ko pa naayos ang identity ko. No one will believe that I am Leinarie Melendrez. All the documents present at that time telling that I am you. I really want to marry Zeke that time and I have no choice but to use your identity."

Tumulo ang luha ko. Gusto ko siyang saktan pero parang nilunod na ako ng panghihina ng kalamnan.

"B-bakit mo nagawa sa'kin 'to?" Iyan lang tanging lumabas sa bibig ko.

"I'm sorry. Sorry." Lumakas ang hikbi niya.

Akmang bubukas na ang bibig ko para magsalita nang biglang may mag-door bell.

Pinunas ko ang luha ko. Sino ba kasi ang nasa labas? Napaka-wrong timing naman ng dating niya. Napakarami ko pang gustong sabihin kay Leina.

"Fix yourself. Mukhang may bisita ka," saad ko. Siguro isantabi na muna namin 'to, mukhang may bisitang dumating.

Tumango siya bilang tugon bago siya tumayo at inayos ang kanyang sarili.

Muling tumunog ang doorbell.

"Titingnan ko kung sino yo'n." Nagboluntaryo na lang ako.

Para naman kasing hindi pa siya handang humarap sa kahit sino. Dapat ako yo'ng pinaka-apektado pero bakit sa hitsura niya parang siya ang pinagsakluban ng lupa. Patuloy sa pagtulo ang luha niya kaya naman kumalat na ang eye liner niya. Kung bakit ba naman kasi, nasa loob na nga siya ng bahay kailangan pa niyang mag-make up!

Nang buksan ko ang pinto. Isang lalaki ang bumungad sa'kin. Makapal ang kanyang kilay, singkit ang kanyang mga mata. Hazel brown ang kulay ng kanyang bilumata na animo'y tumerno sa kayumanggi niyang balat. Matangos ang kanyang ilong at manipis ang mamasa-masa niyang labi. He look decent in his white polo paired with slacks.

"Good evening, ma'am. I am looking for Alora Leigh Andrada-Fuentares," he said fluently. Matikas ang katawan niya at maayos ang kanyang tindig.

"A-ako yo'n. What can I do for you?" Hindi ko naiwasang mapakunot-noo at mapatitig sa kanya. Sino ba kasi 'to?

"Ma'am, your husband told me to fetch you."

Napaawang ang labi ko.

Husband? Kaagad akong nakaramdam ng pagkataranta at pagkabalisa. I tried to compose myself. "Wait a minute here," turan ko bago dali-daling isinara ang pinto.

Napasandal ako sa pintuan pagkasara ko nito. Bumungad din sa'kin ang nakatayong si Leina.

"H-hinahanap ka nila." Para akong lalamunin ng matinding kaba.

"No, i-ikaw ang hinahanap nila, Lei." Kita ko rin ang pagkataranta sa mukha niya. Lalo tuloy akong kinabahan. Pakiramdam ko nanuyo ang lalamunan ko.

"But they are referring to you. Dahil ikaw naman talaga ang ex-wife niya." Pakiramdam ko pinagpawisan ako ng malapot. Jusko! Ba't ba ako napunta sa ganito kakomplikadong sitwasyon?

"Legally, ikaw ang asawa. Dahil pangalan mo ang ginamit ko noon."

Napalunok ako.

Anong gagawin ko?

Humakbang siya palapit sa'kin at masuyong hinawakan ang mga kamay ko.

"Please, help me fix my mess. You know right now, I'm trying to get my son from Franc. And I can't do that if I have to deal with Zeke."

"P-Pero, Leina." Parang hindi ko yata kaya ang pinapagawa niya.

"Please Lei. Nakikiusap ko. Please, mag-uusap lang naman kayo. And just go with the flow. Give what he wants so that we can easily file the divorce."

I sighed. Pakiramdam ko maluluha ako pero pilit kong pinigilan. Ang mahirap kapag nakabaon ka sa utang na loob, hindi ka makakatanggi. Plus paano ba naman ako makakatanggi sa kanya, eh parang pamilya ko na siya. At sa hitsura niya ngayon, kaagad natibag ang namuong galit ko sa kanya. Nangibabaw na ang awa.

Tumingin ako sa kanya. Muli akong bumuntong-hininga bago ko buksan ang pintuan at harapin ang lalaking sumusundo sa'kin.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.