Dominant Passion

Chapter Epilogue (Part Two)



Natulala ako sa sinabi nito. So all this time, I have a child. Our love making bloomed to this beautiful girl. I'm a father. I'm his father.

"Don't you dare think I will forgive you after all these years! You left me!" Hindi niya nilalakasan ang boses niya dahil baka marinig siya noong bata. "Inuulit ko sa 'yo, she's not your child. She's mine, Brelenn." "Jarell---"

She left me.

"Who's that?" Carlene asked.

"She's my wife." Sagot ko.

"What?!" Bulaslas niya. "I thought you're just playing when you said that... So it's all true."

"Yeah..." Yumuko ako. "I just fucking found out we had a child and now she doesn't want to see me because I was never there when she's carrying our baby."

"What the hell?!" Bulaslas ulit nito. "Oh my god... This is too much to process."

Umalis din siya sa harapan ko dahil sa stress. Now, how can I win her back?

Nagtanong ako nang nagtanong tungkol doon sa bata. Hindi nito ginagamit ang apelyido ko. Ano pa bang inaasahan ko? Kahit ako ang nasa puder ni Jarell at iniwan ako ng asawa ko ay gagawin ko ang ginawa niya. Gusto kong bumawi. Ipapaliwanag ko sa kanya ang lahat.

Sinundan ko siya. Pumunta siya sa isang coffee shop. Alam kong alam niya na nakasunod ako sa kanya.

Umupo ako sa harapan niya.

"I'm glad you made time to see me."

"I didn't made time just to see you." Sagot niya agad. "I'm here to ask for your help as Aurenne's father. Since you're a pediatrician."

Taka ko siyang tiningnan. "What's that?"

"Aurenne has congenital heart disease."

Natulala ako sa sinabi niya. Aurenne...

Mariin akong napapikit. Kung hindi pa ako nadestino rito ay hindi ko pa malalaman na may anak ako, at may sakit pa ito.

Nakita ko ang pagod na mga mata ni Jarell.

Seryoso siyang nakatingin sa akin pero ilang saglit lang ay sunod sunod na ang pagtulo ng kanyang luha.

"The doctor said... She's lucky to be alive for four years. There are many patients who live with CHD since birth and only 15% of them is cured but it wouldn't take that long..."

"What do you mean?" I'm starting to feel nervous.

"The..." Pinunasan niya ang kanyang luha kasabay ng paghikbi. "The d-doctor said my Aurenne cannot be cured... S-She's too young and it's too risky... If she went through a transplant there's a 60% chance she wouldn't s-survive so... I don't know what to do..." She broke down in front of me.

Ganoon na lang din ang pagtulo ng luha ko. I never knew about this. I'm so proud of Jarell, she got through this without me. That's all her. Sana pala ay mas nagsikap ako para mas maaga akong nakabalik, pero wala eh... "W-What are you planning to do?"

"I'm here because I wanted to ask you about that. You're a doctor. I know, you know what's best..."

"I'm a doctor but you are the mother. I know you know what's best."

Tumingin siya sa akin. "I don't know, Brelenn..."

Napagdesisyonan naming dalawa na magt-take kami ng risk sa transplant kesa sa panoorin naming naghihirap iyong bata. Hindi na rin ito tatagal kung hindi mapapalitan ang puso nito. Binigyan niya ako ng pagkakataong makilala ang anak namin. She's such a sweet girl.

"My name is Aurenne Francesca Rosier, I'm three year old." Pagpapakilala nito sa akin. Napayakap na lang ako rito habang walang hintong tumutulo ang aking luha. I could've been there. I'm sorry love, I'm sorry, Aurenne. "Aurenne, you should add Raedwald to your last name now, okay?" Ngumiti si Jarell dito sabay tingin sa akin. "This is your daddy, Brelenn Timothy! Yehey!" Pumalakpak si Jarell kasabay ng pagpalakpak ng anak namin. If only I could freeze the moment.

But no.

"Time of death, nine fourty two a. m,"

Rinig ko ang sigaw ni Jarell habang umiiyak. Nandito rin ang mga ina niya na nakayuko habang nakaupo sa waiting chair.

Nakayakap lamang ako sa likod ni Jarell habang umiiyak siya. Napakasakit sa dibdib, lalo na sa kanya dahil siya ang nagpanganak at nagpalaki sa anak naming dalawa. Malakas ang sigaw niya habang umiiyak. "J-Jani---"

"Aurenne! No! My baby's still alive! Please save her!" Hirap na hirap na ito sa paghinga kakaiyak.

Ilang araw kaming walang kain dalawa. Hindi kami makatulog. Tahimik lang kami at hindi nag-uusap. Nang dumaan ang araw na burol na ni Aurenne ay natulala na lang siya roon. Lumapit ako para yumakap sa kanya, sa dibdib ko siya tahimik na umiyak.

Sa pagdating ng libing ay nakuha na naming ngumiti. Pinapanood sa akin ni Jarell ang videos ni Aurenne na tumatawa, sumasayaw, kumakanta at nagsasalita. Doon kahit papaano ay nakakuha ako ng lakas.

"Mommy, when I'm gone I hope daddy's here... He will help you handle the pain. It's all temporary and I hope you forgive each other."

Aniya roon sa video na pinapanood ko.

Aurenne is a smart kid. Nagmana siya sa ina niya.

"Heaven didn't give us enough time for us to see each other but I'm glad I had the chance to see you, Aurenne. We love you so much. Please guide us and I hope you're walking with God now. See you later, baby..." Ngumiti ako tsaka ko inihulog ang bulaklak sa casket.

"See you later, Brelenn!"

I smiled at Jarell and kissed her lips. It's been a year since Aurenne passed away. We haven't moved on fully but we are helping each other. I also told her what happened back there in France. "See you later, sweetheart," ngumiti ako.

Konting araw na lang ay kasal na namin. Umalis muna ako para ayusin ang mga kailangan ko pang gawin.

She'll be trying wedding dresses later. I'll go with her.

"I'm happy you're recovering, Dr. Raedwald," Dr. Kamryn Ortega. Nakasuot pa siya ng ng scrubs at stethoscope. Ako naman ay nakapang civilian.

"Thank you, Dr. Ortega. Have you received the invitation to Jarell and I's wedding?" Tanong ko sa kanya.

"I'll see if I can go," sabi niya sabay ngiti. "I'll go with my husband."

"I'm expecting you there," nagpaalam na ako.

Kada tingin ko sa langit ay naaalala ko si Aurenne. I hope she's happy that we're recovering and her parents are about to get married.

Sa araw na 'yon... Nakita ko siyang kasing ganda pa rin katulad nang dati. Hindi lang ang mukha niya ang maganda, pati ang kalooban niya at pati paano siya mag-isip. I admire that about her.

I used to tell everyone she's my wife when I used to introduce her as my best friend in front of everyone years ago. We really, never know who's for us... It's so unexpected.

While she's walking down the aisle, I can imagine our Aurenne walking with her. I remembered the way we argued, the way we kissed, the way we spend our nights together and our hardships before we get here.

Ang layo na ng narating naming dalawa ni Jarell. We were strong. We made it here.

Wedding Song: I Belong To You - Jacob Lee

> If I could be honest >

Here in this moment >

I've been so nervous > To stand here with you > They're all here for us And I feel their aura >

But just for a moment >

> I'll pretend it's just you

Kasabay sa kanta ang mabagal na paglakad ni Jarell papunta sa altar.

Yes they can hear us >

But they don't understand >

♪ I have said all of my vows behind the curtains

I know they see us >

> But they don't stand a chance >

♪ I have kissed those lips a thousand times before this >

Tomorrow I'll open my eyes >

♪ And I will whisper to my wife

I belong to you

And I will wait to hear you say

As a tear rolls down your face.

I belong to you

I belong to you, Jarell. Only you.

Inilahad ko ang aking kamay sa kanya nang makalapit na siya sa altar. Nakangiti niya 'yong kinuha.

Napakabilis ng oras, hanggang sa dumating na ang kanyang labi sa labi ko.

"I now pronounce you, husband and wife."

Sa dami ng vows namin kanina ay walang wala iyon dahil sa pinagsamahan naming dalawa. Tinipid na lang namin ang vows namin dahil alam kong mamaya sa pribadong lugar ay doon namin sasabihin ang nararamdaman namin para sa isa't isa.

Pagdating namin sa reception ay bati lang kami nang bati sa mga kakilala namin na pinupuri kami. Matagal na kasi kaming magkaibigan ni Jarell at natunghayan pa nila ito. Hindi raw nila inasahang kami talaga ang para sa isa't isa.

Gaya ng pinag-practice-an namin ng mga kapwa ko doctor ay sumayaw kami ng Wet The Bed sa sarili kong kasal. Napapanguso ako dahil tawa nang tawa ang asawa ko habang nagtatakip ng mukha. Ganoon din ang mga bisitang akala mo'y nalalaswaan pag umaabante ang aming katawan para sa tinatawag nilang "kaldag".

Pagkatapos namin ay inaasahan kong sasayaw o kakanta rin ang asawa ko. Napangiti ako nang abutin niya ang microphone mula sa MC.

"Hi guys! Salamat po sa pagpunta sa kasal naming dalawa ng ngayo'y asawa ko na si Brelenn. Ang araw na ito'y importante sa amin at masyado po akong masaya sa araw na ito dahil sa asawa ko kaya gusto ko pong dagdagan ang kasiyahan na binigay ko sa kanya." Ngumiti sa akin si Jarell nang magtama ang tingin namin. Napangiti rin tuloy ako, naghihintay sa kakantahin niya.

"After our Aurenne passed, we can't seem to find a light in our relationship but we made it this far..." Simula niya kaya nagseryoso ang mukha ko. Mukhang hindi siya kakanta, gumawa siya ng speech. "Yesterday I found out about another blessing... I... I'm pregnant."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito. Ang mga audience ay nagpapalakpakan na pero ang panga ko'y nakalaglag pa rin. Ang mga katabi ko'y todo tulak sa akin habang nakangiti at tumatawa dahil sa reaksyon ko pero hindi ako makagalaw. A-Ano raw? Magkakaroon na kaming dalawa ng anak?

Napatakip ako ng bibig tsaka hindi na napigilang mapangiti. Para akong bata na nakakita ng ice cream. Siya ang ice cream. Tumakbo ako papalapit sa kanya at mahigpit siyang niyakap.

"Mahal kita, sobra..." Naiiyak niyang hinalikan ang labi ko sa harap ng maraming tao. Nagtilian at sigawan ang audience. Sinagot ko ang halik niya.

"Mahal na mahal kita, Jarell... I love you and that little Jarell on your womb." Sa sobrang saya ko ay naiyak na ulit ako. Bumaba ako para halikan ang tiyan niya. Naiiyak siyang ngumiti sa akin. "Hi another little Jarell... or little me. I'm your father. I hope to meet you soon."

God,

Thank you for making me meet this woman.

Thank you for giving me the biggest blessing.

Thank you for Aurenne, thank you for our wedding and now thank you for another baby. I'm so happy right now that I can't even say how to explain how happy I feel like. I was happy.

For the challenges you gave to us and for the happiness you keep giving us, thank you very much. We may have a lot more problems ahead us but I know you, my mom and our little Aurenne is guiding us from above. We have a lot more to explore.

I will explore the world with my best friend, my mom, my wife and my love Jarell Norine Rosier.

She is the best woman in the whole world. I'm glad you chose me to be her man. Thank you so much that I can't thank you enough.

Thank you for everything,

Brelenn Timothy Raedwald.

Next chapter will be updated first on this website. Come back and continue reading tomorrow, everyone!

Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.