Dominant Passion

Chapter Chapter Six – I like you



"Brelenn ano ba?! Lagi na lang tayong nag-aaway!"

Nasa kwarto namin siya. Nag-iimpake na siya ng gamit niya.

Pumihit sa akin si Brelenn paharap. "We are not fighting. I simply don't want to talk right now. My mind's burning fire." Lintaya niya nang hindi tumitingin sa akin. Ano bang ginagawa niya? Eh hindi niya naman ako gusto, bakit parang nagseselos siya?!

"Uuwi ka na? Uuwi na rin ako," nagsimula na rin akong mag-ayos ng mga gamit ko kahit pa wala namang masyadong nagalaw sa maleta.

"Fuck," he hissed. "Do you believe on what that jerk said?"

"I don't know! Nagtataka nga ako sa kanya kung bakit niya 'yon sinabi kasi wala ka namang pinapakita para pagselosin siya-"

"Manhid ka lang!" His eyes were bloodshot. "Manhid ka lang, Jarell... Matagal na kitang gusto. Hindi mo nahahalata?" Humina ang kanyang boses habang tinatanong 'yon. "W-What do you mean?" Gulat kong tanong.

What the hell? Does he like me for real?

"All of those hints... You didn't feel anything?" Nanghihinang tanong niya. Bumuntong hininga siya. "I can't predict you, you are too unpredictable and I can't read your mind..." "You like me..." Ulit ko, hindi pa rin maka-moveon sa kanyang sinabi.

Ibig sabihin, matagal niya na talaga akong gusto tapos nagpakamanhid lang ako? Tangina, ang tanga tanga ko! At talagang puro kagaguhan ko pa ang pinapakita ko sa kanya. Naisip ko pa siyang gamitin. "I-It's okay if you cannot reciprocate it..."

"No..." Humina ang boses ko.

I used to like someone who likes me. But today's different, he's my best friend. We can date for real. Mababawi ko ang kasalanan ko sa kanya dahil ginamit ko siya sa issue sa pagitan namin ni Naythen.

"I like... you too." Nagtaas ako ng tingin sa kanya. Hinawakan ko ang dalawang pisngi niya at siniil ko siya ng halik. Ganoon na lang ang gulat sa kanyang mga mata dahil sa ginawa ko.

"Jarell..." He called my name between our kisses. "Jarell, say that again please..."

"I like you too," I repeated.

He stopped kissing me and smiled. "I'll court you."

"I don't want you to court me," sagot ko agad. "I want you to be my best friend and boyfriend from now on." Seryoso akong tumingin sa kanya. Pulang pula ang mukha niya habang nagpipigil ng ngiti. Niyakap niya na lang ako dahil hindi niya na iyon maitago.

"T-Thank you," hirap na usal niya. "Thank you for liking me back..." Naramdaman ko ang unti-unting pagbasa ng likuran ko. Alam kong umiiyak siya pero alam ko rin na ayaw niyang may makakakita sa kanyang umiiyak siya kaya nanatili lang ako sa ganoong posisyon.

Pabalik kami sa Manila nang magkasabay. Ang kanyang mukha'y pulang pula pa rin kahit wala akong ginagawa. Kanina pa nga nakaiwas ang kanyang tingin sa akin eh.

"Date tayo," sabi ko agad sa kanya sabay ngiti. Parang wala siyang narinig dahil hindi siya humaharap sa akin kaya hinampas ko siya sa braso. "Hoy Brelenito!" Tatawa-tawa kong pinihit paharap sa akin ang kanyang mukha. Kinikilig talaga siya! Humalakhak ulit ako nang makita kong nainis siya sa pagtawa ko.

"Nothing's funny, Jani..." Lintaya niya. "Mamaya ka sa 'kin," sinamaan niya ako ng tingin pero hindi 'yon nagtagal dahil bigla siyang napapangiti.

Para siyang tanga pero natatawa talaga ako sa kanya. Ganyan pala siya kiligin? Paano pa noon na hindi ko alam na may gusto siya sa akin tapos may nagagawa akong nakakakilig? Baka sa kwarto niya'y nang hahampas na 'yan ng unan. Pagkababa namin ay dumiretso kami sa isang restaurant malapit sa airport. Wala kasing masyadong tao roon kasi nasa fast food chain karamihan ang mga tao.

"Pagkauwi ko sasabihin ko agad 'to kay mommy," nakangiting sabi niya sa akin. "She'll be surprised and happy for sure."

"She knew?" Nanlalaki ang mga mata kong tanong. Ang walanghiya'y todo ngisi lamang sa akin. "May pizza ba? Nagk-crave ako sa pizza ngayon eh." Sabi ko sabay tingin sa menu.

Sakto at merong pizza roon.

Um-order agad kaming dalawa ng pizza. Nagutom ako kaya naparami ang kain ko. Naagaw ko pa nga ang pizza niya kaya tawa siya nang tawa sa itsura ko.

"Anong nakakatawa? Hindi naman ako natatawa," umirap ako pero hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa pagkinang ng mga mata niya habang nakatingin sa akin.

"You're my girlfriend now..." Tila hindi makapaniwalang sabi niya sa akin.

"Yes." Sagot ko naman. "I'm a doctor's girlfriend." Proud kong sabi. Kinurot naman niya ang pisngi ko na parang pinanggigilan niya ito.

Parang hindi kami nag-away kanina ah?

"Are you really sure... Na hindi ka napilitan?" Tanong niya.

Nagsalubong ang kilay ko. What is he talking about? "Of course not. Damn you, we're together more than half of our lives and you still doubt my decisions." Kunwa'y nagtatampong sabi ko at umiling iling. Hinawakan niya ang kamay ko. "Hindi naman sa ganoon... Ang sa akin lang, gusto ko hindi ka nahihirapan. Baka kasi naguguluhan ka lang. Ganoon ka kasi minsan pag naguguluhan ka..."

Tiningnan ko lang siya. Kilalang kilala talaga ako ng mokong na ito eh. Mas kilala niya pa 'ata ako kesa sa mga magulang ko. Parehas pa silang nakita na ang kaselanan ko.

Nang maalala ko ang pangyayaring sabay kaming nag-iingay sa kwarto ay mariin akong napapikit. Bakit bigla bigla na lang 'yong pumapasok sa isipan ko? Hays! Grabe ka na talaga, self. Nagbago ka na! "Is there something wrong?" Alalang tanong ni Brelenn ng makita ang ekspresyon ko.

"Heh!" Inis kong sabi. Kung alam niya lang ang nasa utak ko!

Noong araw na 'yon ay bumalik si Brelenn bilang doctor sa malapit na Hospital. Ako naman ay nagpatuloy sa aking ginagawa bilang modelo ng isang brand.

"Glowing 'ata tayo ngayon ah," komento sa akin ng photographer. "May boyfriend ka na 'no?"

"Hala paano mo nalaman?!" Sarkastikong tanong ko. Paano'y halos isampal ko na sa kanilang lahat ang lapad ng ngiti ko ay ngayon lang nila nalaman.

"Gago ka, akala ko ba takot ka sa commitment? Cancel na ba ang rich tita na pinangarap natin noon?"

Umirap ako. "Alam mo Renice, manahimik ka na lang. Nangarap ba akong maging rich tita? Hindi naman ah. Invited ka sa kasal namin ng gwapo kong boyfriend." Mayabang na sabi ko at mayabang din na ngumiti. Humalakhak si Renice sa sinabi ko. "Tarantado! Sige, magpose ka na. Buti na lang talaga at magkakilala tayong dalawa. Boring siguro kung hindi ako napiling photographer nitong brand na 'to. Saktong ikaw pa ang model." Pose rito, pose doon. Iyan ang ginagawa ko. Mabilisang shots lang ang binibigay sa akin ni Renice.

"Wait, tumatawag si Erin." Sabi niya tsaka naglakad palayo para sagutin ang tawag.

Schoolmate ko noong highschool si Erin at Renice. Isa sila sa kasama ko noon sa katarantaduhan kahit na tatlong taon pa ang tanda nila sa akin.

"Pupunta kami ng France kasama noong CEO niyang boyfriend!" Tuwang tuwa na sabi niya.

"Edi wow!" Tumawa ako.

Biglang sumagi sa isip ko ang ticket na nakita ko papuntang France. Aalis ba si Brelenn? Saan siya pupunta? Bakit parang may hindi siya sinasabi sa akin?

Buong oras ay iyon ang nasa isip ko. Gabi na nang makauwi ako dahil ang daming pinasukat sa aking damit ni Renice. Iyon kasi ang mga imo-model ko. Lutang din ako kakaisip tungkol sa ticket kaya nakakailang take na kami ay hindi pa maayos ang kuha ko.

Pagkalabas ko ng shoot place ay ikinagulat ko nang bumungad sa akin ang kotse ni Brelenn. Akala ko ba'y nasa trabaho pa siya ngayon? Nakasuot siyabng blue dress shirt at nakataas ang kanyang buhok. Kahit na nakakastress sa med school ay parang dinaig niya pa ang mga nakakasama kong models sa gwapo. Nakapamulsa pa siya habang bahagyang nakaupo sa kotse niyang kay kinis kinis.

"What the hell are you doing here?" Gulat na tanong ko sa kanya.

"I'm picking you up," simpleng sagot niya sabay lapit sa akin. Hinalikan niya ang noo ko. "How is it, hmm?" Sinusuklay niya ang buhok ko habang nakatingin sa aking mga mata. "How's what?" Taka kong tanong. Hindi ako sanay na tina-trato ako ng ganito. Lagi kasi akong naloloko.

"Work. How's work?" Tanong niya.

"Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan..." Niyakap ko siya sa bewang. "Mas nakakapagod ang trabaho mo. Anong ginagawa mo rito't naisipan mo pa na sunduin ako? Siguradong pagod ka na dahil sa dami ng pasyente tapos pumunta ka pa rito." I pouted. Hindi na ako nagulat ng nakatanggap ako ng halik mula kay Raedwald.

"Parehas lang naman tayong napagod." Niyakap niya ako pabalik. "I want to pick you up here every night. Isa pa, madilim at kaunti lang ang tao ko rito kahit panay ang daan ng mga sasakyan. Mamaya, kung ano pang mangyari sa 'yo eh..." "Oo na, sige na!" Tumawa ako sabay hawak sa handle ng pinto noong sasakyan. Hindi ko pa man ito nabubuksan ay sumapaw ang kamay niya para ito na ang magbukas doon.

"I should be the one to open it, Jani." Binuksan niya ang pinto at madaling umikot papunta sa driver's seat.

Pagkapasok ko sa loob ay amoy ko na agad ang matapang niyang pabango. It's so manly than I could pass out anytime because of the smell. Not because it stinks, it's because it turns me on.

"Hah... I always pick you up. What would happen if I left you?" Pabirong tanong niya jabang nakatingin sa akin pero nawala agad ito ng makita niya ang mukha ko. "W-What? Why are you looking at me like that?"

"Y-You... You are going to leave soon. Aren't you?"


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.