Chapter Chapter Fourteen — Aurenne
"Hala anak, ang laki na ng tiyan mo!" Komento ni mama habang nakatingin sa akin.
Nagpilit na lang ako ng ngiti tsaka tumagilid para makita ko nang maayos ang aking tiyan.
7 months. Malapit na ang kabuwanan ko. Three months ago, I told myself I won't wait for him anymore. There are times I no longer think of him and it's for me and the baby's sake. Kaso nga lang, pag nakakakita ako ng bagay na nagpapaalala sa akin sa kanya, I go back to zero.
Kailanman matapos niyang lumipad papuntang France ay hindi na siya nagparamdam. Ganoon din ako sa kanya dahil napagod na akong maghabol at nalaman ko na sinasayang ko lang ang oras ko. Tinakasan niya nga ako. Posible kayang alam niya na buntis ako kaya siya umalis?
Nasa isang mall kami ni mama habang namimili ng damit para sa baby. Nalaman kasi namin na babae ito noong recent ultrasound namin. Tuwang-tuwa si mama noong nalaman niya. Ganoon din si papa! "Ganda nito, nak oh. Ano sa tingin mo?" Tanong ni mama sa akin habang tinitingnan ang isang pink at white na stroller.
Tumango ako. Maganda naman talaga. "Magkano raw, ma?" Tanong ko agad.
Nang tiningnan ni mama ang price non ay nanlaki ang kanyang mga mata. "Naku! Ang mahal naman nito! Tatlong libo't kulang kulang limang daan!" Bulaslas niya. Tumawa ako. "Bilhin ko na, ma,"
"Jarell Norine! Magtipid tipid ka! Alam kong marami kang pera pero matuto kang magtipid!" Saway nito sa akin.
Habang namimili ako ay nakatanggap ako ng text galing kay Nirca, kaibigan ko rin.
Nirca:
Gago? Tama ba 'yung nalaman ko na jontis ka raw?
Kumunot ang noo ko. Kanino niya naman nalaman ang balitang 'yon?
Ako:
Sinong nagsabi sa 'yo niyan?
Nirca:
Please sabihin mo nagdadalang tae ka lang
Humalakhak ako habang binabasa ko ang mensahe ng loka loka. Nang ipinakita ko iyon kay mama ay natawa rin siya. Puro talaga kalokohan si Nirca!
Ako:
Tama naman. Buntis ako. :D
Nirca:
Hoy gago? Bakit nagsisipagbuntisan na kayo?!
Tawa lang ako nang tawa sa reaksyon niya habang si mama ay abala sa pamimili ng mga susuotin ng baby. Ipinipilit niya kasing mas maganda ang taste niya kesa sa akin, tama naman siya, I guess. Magaganda naman kasi ang pinipili ni mama. Hindi ako pinapatulog ng bata sa sinapupunan ko. Minsan kapag madaling araw ay may sumisipa sa aking tiyan. Parang sinasapak ang matres ko dahil sa sakit kaya nagigising ako!
Ang ginagawa ko ay umuupo na lang ako at humaharap sa bintana habang nakapikit at kumakanta. Hindi ko namamalayang umaga na pala, hindi na ako nakatulog.
Ang hirap pala talaga magbuntis. Sabi nila, ang kalahating paa mo ay nasa hukay. Noon ay mahirap pa sa aking paniwalaan iyon dahil hindi ko pa nararanasan pero ngayon ay agree na ako sa mga salitang iyon.
Mabilis ang takbo ng araw at dumating na ang kabuwanan ko. Takang taka pa si mama dahil 9 months na pero hindi pa lumalabas si baby.
"Ma, huwag kayong mag-alala. Sabi ng doctor, malakas daw ang kapit ni baby at normal naman daw ito para sa ilang buntis. Huwag po kayong mag-alala, ma."
Isang araw lang pagkatapos kong sabihin iyon ay nagle-labor na ako. Pakiramdam ko ay mamamatay na ako sa sakit kaya napapaiyak na lang ako.
"Ma! Ma! Ma! Mama manganganak na ako!" Sigaw ko.
Hindi magkanda ugaga ang mga magulang ko. Isinakay nila ako sa kotse nila at dinala ako sa Ospital.
Hirap na hirap ako sa aking paghinga. Pasasalamat ko na lang at hindi ako iiri dahil C-section ang gagawin sa akin. Nagising na lang ako na may aparato sa aking tabi. Nakita ko si mama na natutulog sa tabi ng aking higaan. "Ma..." Tawag ko. Sobrang sakit ng buong katawan ko at parang may nawala sa akin.
Iyong anak ko, nasaan na?
"Ma..." Tawag ko ulit. "Iyong anak ko po ma... Nasaan si Aurenne?"
Pinili ko ang pangalan na 'yon para sa bata. Kahit namab ipilit ko sa sarili ko na hindi ko na gusto si Brelenn ay parang niloloko ko lang ang sarili. At dahil anghel si Aurenne sa panaginip ni Brelenn, iyon ang ipinangalan ko sa anak namin. Nagising si mama dahil sa hirap na pangangalabit ko sa kanya. Alalang-alala ang kanyang mukha ng niyakap niya ako. Tumutulo pa ang kanyang luha habang tinatanong ako kung kumusta na ako.
"Ang galing mo, nak... Ang galing galing mo." Puri niya sa akin at hinalikan ako sa noo. "Nasa... Nasa tatay mo si Aurenne."
Kasabay ng kanyang pagsagot ay natanaw ko si papa na papalapit sa aming dalawa kasama ang isang maliit na sanggol sa kanyang kamay. Nang iabot niya ito sa akin ay tulo nang tulo ang luha ko. Kamukhang kamukha ko siya!
Panay ang halik ko sa bata habang patuloy na umiiyak. Kay sarap amuyin ng kanyang katawan. Para itong droga para sa akin na ayaw kong tigilan. "Welcome to the world, Aurenne Francesca Rosier..." Napangiti ako.
Ngumiti rin si mama at papa sa akin.
Ang akala ko, magiging maayos na ang lahat dahil nakapanganak na ako ng maayos. Pero roon pa lang pala magsisimula ang sakit at kalbaryo.
"Ma! Si Aurenne! Nag-iiba ang kulay niya! Dalhin natin sa doktor!" Iyak ako nang iyak habang buhat-buhat ko ang anak ko. Nagkukulay violet na ang kanyang balat kaya dinala namin siya sa Ospital.
At doon, nalaman namin na may sakit nga siya.
"Congenital heart disease." Basa ko sa nakasulat sa papel.
Parang gumuho ang mundo ko. Ang bata-bata pa ng anak ko para maranasan ito. Hindi ba pwedeng wala munang problema kahit isang araw lang? Nawala na nga sa akin si Brelenn, ngayon ayaw kong mawalan ng anak dahil pakiramdam ko tuluyan na akong mawawalan ng gana sa buhay.
Sabi ng doctor, walang gamot dito. Heart transplant ang naiisip nilang paraan pero dahil hindi pa ganoong kataba si Aurenne ay hindi pa nila ito pwedeng gawin. Isa pa, baby pa ito at isang linggo pa lang ang nakalilipas simula noong siya'y pinanganak
Ni hindi pa nga maayos ang pakiramdam ko dahil kapapanganak ko lang. Wala akong pahinga kapag umiiyak siya bigla paggabi. Tapos ito... Pumunta ako sa simbahan isang araw....
"Ama... Bakit niyo po ginagawa sa akin ito?" Halos pabulong kong tanong sa Diyos. "Kung ito po ang tinutukoy nilang karma sa akin, sana sa akin niyo na lang po binigay lahat. Sana hindi na po nadamay pa ang anak ko..." Napalakas ang aking hikbi.
"Kinuha niyo na po sa akin si Brelenn... Mag-iisang taon na po kaming walang koneksyon sa isa't isa. Hindi pa po ba 'yon sapat?"
Ganun pa man, pinilit kong magpakatatag para kina mama at Aurenne. Wala akong magawa kung hindi magpilit ng ngiti dahil alam kong ayaw nilang makikita ang malungkot kong mukha.
Lumipas ang ilang buwan at nawalan na kami ng pera dahil sa pagpapagamot sa bata. Problemadong problemado ako dahil hindi ko malaman kung saan ako maghahagilap ng pera dahil bukod sa wala akong trabaho ngayon dahil nagpapagaling, kailangan ko pa siyang bilhan ng gamot. Si Aurenne na lang ang nagpapalakas sa akin.
"Nak... Kapit ka lang nak ha... Konting tiis lang nak. Pasensya ka na talaga," humagulgol ako habang yakap yakap si Aurenne na nakahiga sa lamesa.
Kahit na hindi pa maayos ang pakiramdam ko, kahit hirap na hirap pa akong umihi dahil sa hapdi ay humanap ulit ako ng trabaho. Ang mga kaibigan kong nakaalam sa nangyari ay gusto akong tulungan pero hanggat kaya ko pa, hinding- hindi ako hihingi ng tulong sa kahit kanino man.
Kahit papaano, natutustusan ko ang pagpapagamot ng bata. Iyon ang mahalaga sa akin. Pero nagkasakit din si papa.
Sunod sunod ang lahat. Ilang araw na akong walang tulog dahil iniisip ko kung ano ang dapat kong gawin.
Si mama rin, kahit malayo ang kwarto niya sa kwarto ko ay naririnig ko ang hagulgol niya kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak na lamang. Umaasang sana isang araw ay magiging maayos din ang lahat.
Brelenn, nasaan ka na ba? Nasaan ang mga pangako mo?
Kung sana nandito ka, kahit papaano may karamay ako sa sakit. Ayaw kong hayaan sila mama na problemahin ang problema ko. Dapat nandito ka.
May kaunting pagsisisi ako at hinayaan kitang umalis noon. Kung alam ko lang na mangyayari ito ay sana sinabi ko na lang sa 'yo na sana hindi ka na lang umalis pa.
"Nak, kain ka na," kumatok si mama sa pinto.
"B-Busog pa po ako," pagod na sabi ko habang magkatabi kami ni Aurenne.
"N-Nak, dalawang araw ka nang walang kain." Tila takot niyang sabi.
Hindi ako nagsalita.
"Ako na muna ang mag-aalaga kay Aurenne. Kumain ka muna roon, nak... Please."
Marahas kong pinunasan ang naglalandas sa aking pisngi tsaka ako tumayo para pagbuksan ng pinto si mama. Pagkabukas na pagkabukas ko ay sinugod niya ako ng yakap. Namamaga na rin ang kanyang mga mata dahil sa kakaiyak. "Magpahinga ka na muna, nak..."
"Magpahinga muna tayong dalawa, ma," pagtatama ko habang sabay kaming humihikbi.
Nasaan ka na, Brelenn? I thought we are in this together?